No show pa rin sa imbestigasyon ang 8 sa 11 respondents sa pagkamatay ni PAL flight attendant Christine Angelica Dacera.
Sa preliminary investigation ngayong araw sa Makati City Prosecutor’s Office, tanging sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido at John Paul Halili ang dumating sa pagdinig
Sa ambush interview ng media, inihayag ni Atty. Brick Reyes, tagapagsalita ng pamilya Dacera, na naninindigan silang may kinalaman sa droga ang pagkamatay ni Christine.
Ayon kay Atty. Reyes, napansin din ng pamilya Decera na nag-iba ang naging kilos ni Christine sa party sa dalawang kwarto ng City Garden Grand Hotel base sa CCTV footages.
Sa kabila nito, umaasa aniya ang pamilya Dacera na ang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) ang magbibigay-linaw sa tunay na nangyari sa flight attendant.
Kinuwestiyon din ni Atty. Reyes ang ginawang pagpapalaya ng Makati Police kay Gregorio Angelo Rafael De Guzman at ang hindi pagkuha dito ng testimonya.