Manila, Philippines – Ibinida ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na matapos katigan ng Korte Suprema ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao ay nangangahulugan na talagang may basehan at naaayon sa batas ang proklamasyon ng Pangulo.
Ayon kay Andanar, ngayong sumasangayon na ang lehislatura at hudikatura sa deklarasyon ng Pangulo ay nararapat na suportahan ito ng mamamayan.
Pero sinabi ni Andanar na wala din naman siyang magagawa sa mga grupo na patuloy na kumokontra sa Martial Law dahil karapatan naman ng mga ito na ihayag ang kanilang saloobin.
Paliwanag ni Andanar, mayroong freedom of expression na ibinibigay ang saligang batas sa bawat Pilipino na kanilang iginagalang.
Facebook Comments