Isang babae ang nasugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Sison, Pangasinan kaninang madaling-araw.
Batay sa imbestigasyon, dalawang sasakyan ang parehong tinatahak ang hilagang direksyon ng kalsada, habang pa-timog naman ang isa.
Pagdating sa lugar ng insidente, biglang huminto at lumiko pakaliwa ang nauunang sasakyan, ngunit nabangga ito mula sa likuran ng kasunod na sasakyan.
Dahil dito, sumalpok ang una sa paparating na sasakyan sa kabilang linya.
Nagresulta ang insidente sa pagkakasugat ng babaeng pasahero ng unang sasakyan, na dinala, kasama ang tatlong drayber, sa ospital.
Lahat ng sangkot na sasakyan ay nagtamo ng pinsala at dinala sa Sison Municipal Police Station para sa wastong disposisyon.
Facebook Comments









