Tatlong sasakyan, nagkarambola sa Commonwealth Avenue sa QC

Tatlong sasakyan ang nagkarambola sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sangkot sa karambola ang isang pampasaherong bus, isang van at isang kotse.

Nakaidlip umano ang driver ng isang pampasaherong bus dahilan upang mabangga niya ang nakaparadang van at kotse.


Wala namang nadamay dahil nagkataong walang mga tao sa service road ng BF Road nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo naman ng minor injury ang driver ng bus.

Facebook Comments