Posibleng magpatupad ng tatlong shifting ng klase sa loob ng isang araw ng ilang paaralan sa Metro Manila dahil sa pagdami ng enrollees sa rehiyon.
Ayon kay Department of Education (DepEd) spokesman Atty. Michael Poa, hinahanapan na nila ngayon ng paraan kung papaano sosolusyunan ang problemang ito.
Aniya, nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga local government unit para masolusyunan ang kakulangan ng classroom sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Pero paglilinaw ni Poa, ang 3 shifting ay gagawin dahil sa pagpapatupad ng safety protocols sa mga paaralan kung kaya’t hindi maaaring mag siksikan ang mga bata.
Sa ngayon, posibleng nasa 1 is to 35 ang ratio ng estudyante sa bawat classroom upang masunod ang social distancing.