Tatlong stranded na dolphin ang nasagip sa Brgy. Gargato, Hinigaran, Negros Occidental nitong nakaraang linggo.
Ang mga nailigtas na dolphin ay tinatawag na pygmy killer whales at minsan inuugnay sa mga oceanic dolphins.
Ayon sa mga residente, agad nilang iniulat sa otoridad ang mga nakitang hayop noong Mayo 24. Matapos ang pagsusuri, pinakawalan ang mga hayop sa karagatan ngunit ang dalawa sa ito ay na-stranded sa baybayin ng Kabankalan City.
Sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bantay Dagat, at Bantay Katunggan ng Kabankalan City, nabalik ulit ang mga dolphin sa kanilang natural habitat.
Samantala, kumalat sa social media ang video ng pagtrato ng ilang residente sa mga stranded dolphins. Nitong Mayo 25, pinost ng Facebook group na Pinoy Naturalist ang sinasabing video at may caption na “Please respect marine wildlife. This video was taken in Negros yesterday.”
Mahigit 200,000 views na di umano’y nakaaalarmang video.
Dahil sa pangyayari, muling pinaalalahan ng BFAR Region 8 ang lahat ng mga naninirahan malapit sa coastal areas na maging mahinahon at maingat kapag may namataang stranded sea mammals. Agad ipagbigay-alam sa kinauukulan para masagip at maalagaan ng maayos.
“The public is encouraged to immediately report similar mammal strandings to the nearest BFAR Regional Offices and Provincial Fishery Offices, LGUs and other relevant government and non-government agencies mandated to respond to such incidents for appropriate actions. Accurate information of the mammal stranding location is essential for a faster reponse from responsible authorities. Let us be one on protecting and conserving our fisheries and aquatic resources!”, pahayag ng BFAR Region 8 sa kanilang Facebook page.