TATLONG SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTORSIKLO SA AGNO, PANGASINAN

Tatlong katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road ng Barangay Bangan-Oda, Agno, Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, habang binabaybay ang nasabing kalsada, bigla umanong pumasok sa kabilang linya ang motorsiklong minamaneho ng isang rider na may backride at nasalpok ang paparating na isa pang motorsiklo. Dahil dito, parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang drayber gayundin ang backride.

Agad na dinala ang mga nasugatan sa Alaminos City District Hospital upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon. Pareho ring nagtamo ng pinsala ang dalawang motorsiklong sangkot sa aksidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente. Muling pinaalalahanan ang publiko, lalo na ang mga nagmomotorsiklo, na mag-ingat sa pagmamaneho at sundin ang batas-trapiko upang maiwasan ang ganitong uri ng aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments