Tatlong sundalo, arestado ng PDEA matapos na mahulihan P340-K na halaga ng shabu sa Tarlac

Arestado ang tatlong sundalo matapos na makumpiskahan ng humigit-kumulang sa P340,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Anupul, bayan ng Bamban, Tarlac.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tarlac, ang mga nadakip ay nakilalang sina Cpl. Venancio D. Delmoral, Alias Juan, 44; Cpl. Juan Carlo G. Feliciano, 30, at Sgt. Modesto D. Rosquero, 29, pawang AFP enlisted personnel.

Ayon sa PDEA, ang tatlong sundalo ay itinuturing na mga high-value-target dahil sila ay nasa aktibong katayuan.


Narekober ng mga ahente ng PDEA ang isang piraso ng knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 340,000; isang unit na Rock Island Caliber 45 (AFP Issued Firearm) na puno ng magazine na may apat na live ammunition; isang Blue Sedan Suzuki Dzire, at ang marked money na ginamit sa buy-bust.

Ang operasyon ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng PDEA Tarlac at lokal na pulisya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell) sa ilalim ng Republic Act 9165 ang mga nasabing sundalo.

Facebook Comments