Tatlong sundalo, nadagdag sa mga nasawi sa sagupaan sa Marawi City

Marawi City – Panibagong tatlong sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay sa harap nang wala pa ring tigil na pakikipababakbakan sa Maute terror group sa Marawi City.

Ito ang kinupirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla batay kanilang update hanggang alas sais ng gabi kagabi.

Aniya dahil sa panibagong bilang ng mga nasawing sundalo umaabot na ngayon sa 65 na miyembro ng tropa ng pamahalaan ang namatay sa sagupaan o killed in action.


Ang bilang na ito ay simula noong May 23 nang manggulo ang Maute Terror Group sa Marawi City at magdeklara ng Martial Law ang Pangulo.

Isa naman sa mga kalabang Maute Terror Group ang nadagdag sa mga napatay na sa kabuuan ay aabot na sa 258 ang nasawi.

Umakyat na rin sa 26 na mga sibilyan ang nasawi sa sagupaan sa gulo.

Mas dumami na rin ang bilang ng mga narekober na armas na aabot na sa 255.

Tuloy-tuloy din ang rescue operation ang ginagawa ng tropa ng pamahalaan katuwang ang lokal na pamahalaan at ilang non-government organization.

Sa ngayon, aabot na sa 1637 ang mga nailigtas na sibilyan sa sagupaan.
Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar laban sa Maute Terror Group upang tuluyan nang ma-neutralize ang mga ito.

Facebook Comments