TATLONG SUSPEK SA SYNDICATED ESTAFA, TIMBOG SA SAN CARLOS CITY

Tatlong babae na nahaharap sa kasong Syndicated Estafa ang arestado sa dalawang araw na magkakahiwalay na operasyon ng San Carlos City Police Station.

Unang naaresto kahapon ng gabi ang isang 24-anyos na babae na sinundan ng isa pang suspek, pawang residente sa lungsod, sa bisa ng warrant of arrest na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, isang 42-anyos na babae naman ang inaresto kaninang madaling araw dahil sa limang (5) bilang ng kaparehas na kaso.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong Syndicated Estafa sa ilalim ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon sa kapulisan, ang magkakasunod na pag-aresto ay paalala sa publiko na maging maingat sa mga online transactions. Pinapayuhan ang lahat na tiyaking lehitimo at mapagkakatiwalaan ang kausap sa online bago magpadala ng pera o personal na impormasyon upang maiwasan ang pagiging biktima ng estafa at iba pang cybercrime. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments