Tatlong sympathizers’ ng Maute, huli sa Malaysia

Manila, Philippines – Arestado sa Malaysia ang tatlong lalaki na umano’y tagasuporta ng teroristang Maute.

Napag-alamang pupunta ang tatlo sa Pilipinas para tumulong sa mga aktibidad ng Maute.

Nakuha ng mga otoridad sa mga lalaki ang tatlong malalaking bolo na gagamitin sana nila laban sa mga pulis.


Ayon kay Prof. Jose Antonio Custodio, military historian analyst – hindi na nakakagulat kung may mga tagasuporta ang terorista sa pilipinas partikular sa Mindanao dahil iisa lamang ang kanilang layunin.

Kinukumpirma pa ng mga otoridad kung totoo ngang may 20 terrorists cell ang Maute group sa bansa.

Facebook Comments