Layunin ng operasyon na matukoy at buwagin ang mga taniman ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Sa isinagawang operasyon, nadiskubre ang tatlong magkakahiwalay na marijuana plantation sites na may pinagsamang lawak na tinatayang 1,750 square meters.
Tinatayang nasa 9,800 piraso ng fully-grown marijuana plants ang natagpuan sa lugar, na may kabuuang Standard Drug Price na humigit-kumulang Php 1,960,000.00.
Agad na nagsagawa ng imbentaryo, ebalwasyon, at dokumentasyon ang mga tauhan ng ISPDEU bago isinagawa ang on-site destruction o pagsusunog sa mga nakumpiskang halaman ng marijuana upang maiwasan ang muling pagpapalaganap nito.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga at mahigpit na ipinapatupad ang mga operasyon upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad.








