BENGUET, PHILIPPINES – Sumuko ang dalawang miyembro ng Militia ng Bayan, Communist Terrorist Group na nag-ooperate sa rehiyon na kinilalang sina Alyas Nanay, na isang aktibong miyembro at suporta ng mga CTG sa Tubo, Abra; at ang kanyang anak na si Alyas Balyer, Squad leader ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) “AMPIS” of Ilocos-Cordillera, rasidente ng Baguio City sa mga otoridad ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) kahapon.
Isinuko din ng dalawa ang kanilang mga armas tulad ng mga bala, baril at granada. Ayon naman kay alyas Balyer, nahikayat siyang sumali sa CTG simula noong niyaya sya ng isang katutubong grupo na aktibo sa mga rally hanggang sa naimpluwensyahan na siya ng mga makakaliwang grupo.
Bilang pag-linis sa kanyang ngalan, boluntaryo namang sumuko ang kinilalang miyembro ng “Leftist Group” ng Baguio at Benguet na si Jose Payangdo Cawiding alyas “Willie”, na miyembro na ng grupo simula pa noong 1986 na ngayon ay opisyal ng Barangay Hillside, Baguio City.
Nananawagan naman si PROCOR Regional Director Police Brigadier General, R’win Pagkalinawan sa mga hindi pa sumusukong miyembro ng mga makakaliwang grupo na magbalik loob na sa pamahalaan.