Tatlong tauhan ng DOJ, nagpositibo sa COVID19 rapid test

Kinumpirma na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na tatlo sa kanilang empleyado ang nagpositibo sa isinagawang COVID-19 rapid test.

Ayon kay Sec. Guevarra, dalawang security guard at isang maintenance personnel nila ang nagpositibo sa rapid test kamakailan.

Sa ngayon aniya ay naka-quarantine na ang tatlo at isasailalim sila sa swab test.


Sakali anyang magpositibo ang mga ito sa swab test, agad silang ipapadala sa ospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

Ayon pa sa kalihim, posibleng sa labas ng DOJ nakuha ang naturang sakit

Hindi pa din naman aniya tiyak na COVID-19 positive na ang mga ito hanggat hindi lumalabas ang kanilang swab test.

Facebook Comments