Tatlong top officials ng CSMC, nabakunahan na ng Sinovac

Naturukan na ang tatlong matataas na opisyal ng Cardenal Santos Medical Center (CSMC) ngayong araw ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng China-based drug campany na Sinovac.

Ang mga nabakunahan ay sina Dr. Edgar Michael Eufemio, Chairman ng Department of Orthopedics at Dr. Sergie Paul Fernandez, Chief Resident ng Department of Internal Medicine.

Si Maria Louzel Diaz, Vice President at Head of Human Resources ng nasabing ospitan ang nag-iisang babae na unang nabakuhan ng Sinovac.


Aniya, kaya siya nag volunteer na mauna nang magpabakuna laban sa COVID-19 gamit ang Sinovac vaccine ay upang maipakita niya sa mga manggagawa ng CSMC na ligtas at epektibo ang bakuna.

Dagdag pa niya na kahit anong brand ng bakuna laban sa COVID-19 ay tiyak na ligtas gamitin dahil ito pinag-aralan na ng mga experto at aprobado naman ng Food and Drugs Administration o FDA.

Ngayong araw, isiginawa ang ceremonial ng COVID-19 vaccination ng Cardinal Santos Medical Center at sa Biyernes naman gaganapin nila ang mass vaccination sa kanilang mga medical at non-medical workers.

Facebook Comments