Tatlong indibidwal na kabilang sa Top 2 Municipal Most Wanted Persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO 1) sa magkakahiwalay na operasyon sa Pangasinan, La Union, at Ilocos Sur noong Enero 16, 2026.
Sa Bugallon, Pangasinan, nahuli ang isang 52 anyos na lalaki na may kaso sa Acts of Lasciviousness at Slight Physical Injuries.
Sa Caba, La Union, isang 59 anyos na construction worker ang inaresto matapos sampahan ng kaso sa Frustrated Homicide.
Samantala, sa Narvacan, Ilocos Sur, isang 18 anyos na binata ang naaresto dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
Ayon sa PRO 1, ang mga pag-aresto ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at ng kanilang pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










