Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang tatlong indibidwal matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Cagayan sa magkaka-ibang oras kahapon.
Ang mga nadakip ay kinilalang sina Nestor Alviar, kwarentay nuwebe anyos, tycycle Drayber, at residente ng Brgy. Punta, Aparri, Jovanie Estrada, bente singko anyos at residente ng Brgy. La Suerte, Amulung West, Cagayan at si Jeriel Dasalla, trentay sais anyos, magsasaka at residente naman ng Brgy. Liwan Norte, Enrile, Cagayan.
Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, nadakip si Alviar sa aktong pagbebenta ng droga habang si Estrada naman ay nadakip rin dahil sa pagbebenta nito ng dalawang piraso ng shabu sa isang poseur buyer ng Tuguegarao City Police Station.
Narekober pa sa pag-iingat ni Estrada ang isang piraso ng hinihinalang shabu, isang unit ng cellphone, isang itim na Motorsiklong Honda XRM at isang libong pisong Buy Bust Money.
Nadakip naman si Dasalla matapos kagatin ang pain ng mga operatiba ng Enrile Police Station at nakuha rin mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng shabu, isang cellphone, isang Hand Grenade, isang motorsiklo at isang piraso ng limang daang libong piso bilang marked money.
Nasa kustodiya na ng mga Himpilan ang mga suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.