MANILA – Nagpahayag ng pangamba ang tatlong senador sa Estados Unidos sa pagdami ng bilang ng mga namamatay sa giyera kontra droga ng Pilipinas.Sa sulat na ipinadala nila sa US State Department, kinukwestyon nina US senators Edward Markey, Marco Rubio, at Christopher Coons kung ano ang proseso ng kanilang bansa para matukoy kung nagagamit ba ang kanilang ayudad sa Pilipinas para sa law enforcement sa mga Extra-Judicial Killings.Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nirerespeto naman ng Malakanyang ang mga opinyon ng mga US senator.Pero nanindigan si Abella na mas ligtas na sa mga kalsada dahil sa kampanya ng administrasyong Duterte.Tiniyak naman ng PNP na patutukan na rin nila sa susunod na taon ang imbestigasyon sa mga patayan na hindi nangyarin sa ilalim ng mga lehitimong police operations.
Tatlong Us Senator, Binatikos Ang Extrajudicial Killings Sa Pilipinas
Facebook Comments