
Tatlong wanted person ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Dagupan City.
Arestado ang isang 34-anyos na babae sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng estafa na may rekomendadong piyansang P18,000.
Nasundan ito ng pagkakadakip sa isang 22-anyos na lalaki na may warrant of arrest para sa reckless imprudence resulting in homicide and damage to property na may P60,000 na piyansa.
Samantala, naaresto rin ang isang 31-anyos na lalaki sa bisa naman ng warrant of arrest para sa robbery o pagnanakaw sa isang pribadong gusali na may P18,000 na piyansa.
Ang tatlong akusado ay nasa kustodiya ngayon ng Dagupan City Police Office para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments









