Tatlong wanted person, nahuli sa magkakahiwalay na manhunt operation ng PNP-CIDG

32

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP-CIDG) ang tatlong most wanted persons sa magkakahiwalay na manhunt operations sa Cotabato at Isabela kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jermel Arandia na may kasong frustrated murder na naaresto sa Brgy. San Jose, Koronadal City, South Cotabato.

Michael Tamban may kasong frustrated homicide na nadakip sa Brgy. Bongolanon, Magpet, North Cotabato at Ricardo Lantano na nahuli sa Brgy. Sto. Rosario, Apalit, Pampanga.

Sa pag-iimbestiga ng PNP-CIDG, natukoy nito na si Arandia ay miyembro ng Pallado Group na sangkot sa gun-for-hire sa South Cotabato, si Tamba naman ay No. 6 Municipal Level Most wanted person sa Magpet, North Cotabato, at si Lantano ay No. 4 Provincial Level MWP sa Isabela.

Facebook Comments