Tatlong wanted na indibidwal ang naaresto sa loob ng isang araw na magkakahiwalay na operasyon ng Dagupan City Police Office (DCPO).
Unang naaresto ang isang lalaki sa Brgy. Bonuan Gueset na nahaharap sa kasong Robbery in an Uninhabited Place or in a Private Building (RPC Art. 302) na may rekomendadong piyansang 18,000 pesos na nakasaad sa warrant.
Sinundan ito ng dalawang sunod-sunod na operasyon sa Barangay Lucao kung saan naaresto ang isang babae dahil sa tatlong bilang ng Estafa na may piyansang 18,000 pesos.
Nadakip din ang isang lalaki na may kaso namang Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property na may piyansang 60,000 pesos.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga akusado para sa tamang disposisyon at kaukulang proseso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









