Tatlong weather system, nagpapaulan sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa; LPA, binabantayan din

Tatlong weather system ang patuloy na nakakaapekto sa bansa.

Kabilang rito ang northeasterly surface windflow na siyang nagdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Aurora, Bulacan at Calabarzon.

Habang shear line o ang linya kung saan nagtatagpo ang northeasterly wind flow at easterlies ang nagpapaulan sa Bicol Region.


Makararanas din ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan pagkulog ang Visayas at Mindanao dahil naman sa Inter-Tropical Convergence Zone o ITCZ.

Nagbabala ang pagasa ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na apektado ng mga weather systems lalo na kapag may kalakasan ang mga pag-ulan.

Samantala, patuloy ring binabantayan ng pagasa ang isang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Mindanao.

Alas-3:00 kaninang madaling araw, huli itong namataan sa layong 320 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Una nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mababa ang tiyansang lumakas ang LPA at maging bagyo.

Facebook Comments