Tatlong witness sa umano’y iregularidad at anomalya sa PhilHealth, pinangalanan na

Pinangalanan na ni Senator Panfilo Lacson ang tatlong witness sa umano’y iregularidad at anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ayon kay Lacson, haharap bukas sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sina PhilHealth Board Member Alejandro Cabading, dating Executive Assistant ni PhilHealth Chief Ricardo Morales na si Estrobal Laborte at ang former Anti-Fraud Legal Officer na si Thorsson Montes Keith.

Ilang sa mga isyung uungkatin sa pagdinig ay ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM), financial statement at ang procurement ng ICT equipment ng PhilHealth.


Sa kabila naman ng dalawang linggong lockdown sa Senado bilang suporta sa panawagan ng mga medical frontliners, tiniyak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tuloy ang isasagawang Senate hearing kaugnay sa korapsyon sa PhilHealth.

Paliwanag ni Sotto, magsasagawa sila ng hybrid format na istilo para sa PhilHealth anomaly.

Kinumpirma rin ng Senate President na suportado ng mayorya ng mga senador ang imbestigasyon sa sinasabing mga iregularidad sa PhilHealth.

Una nang naungkat ang mga isyu sa PhilHealth matapos magbitiw sa pwesto si Keith dahil sa umano’y malawak na korasyon sa loob ng ahensya.

Facebook Comments