Tatlumpung libong Locally Stranded Individuals, napauwi na sa iba’t ibang lalawigan

Umaabot na sa 34,571 Locally Stranded Individuals (LSIs) ang napabalik na sa kani-kanilang lalawigan hanggang nitong June 17, 2020.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na pauwiin sa mga lalawigan ang mga LSIs na naipit sa Metro Manila magmula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso.

Sa virtual presscon, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 45,565 na LSIs na nagpatala sa Department of the Interior and Local Government (DILG).


Bunsod nito, wala ng LSIs ang nananatili ngayon sa Villamor Airbase at sa Philippine State College of Aeronautics na pansamantalang ginawang temporary shelter ng mga ito.

Samantala, sa datos naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapagbigay sila ng tig-dalawang libong piso sa 539 na LSIs at mga sleeping at sanitation kits.

Facebook Comments