TATLUMPUNG MAGSASAKA SA MALASIQUI, SINANAY SA PAGTATANIM NG MAIS

Tatlumpung magsasaka mula sa Brgy. Binalay, Malasiqui ang nagtapos sa Farmer Field School for Corn Season mula sa Agricultural Training Institute.

Sumailalim sa aktwal na pagsasanay ang mga magsasaka mula sa land preparation hanggang sa pag-aani na nagsimula noong Nobyembre 2024 at nagtapos nitong Abril.

Umaasa naman ang tanggapan na magiging daan upang maibahagi sa iba pang magsasaka ang epektibong pamamaraan ng pagtatanim ng mais.

Pagtitiyak ng tanggapan ang patuloy na suporta sa mga magsasaka upang mapayabong ang iba’t-ibang pananim sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments