TATLUMPUNG MAGSASAKA SA SISON, NAGSIPAGTAPOS SA PAGSASANAY UKOL SA SUSTAINABLE RICEPRODUCTION WITH EMPHASIS ON PALAY CHECK SYSTEM

Nagsipagtapos ang tatlumpong magsasaka sa bayan ng Sison na nakibahagi sa pagsasanay na napapatungkol sa Sustainable Rice Production with Emphasis on Palay Check System na sinimulan noong buwan ng hunyo at natapos nito lamang Setyembre.
Dumalo sa graduation ang alkalde ng Sison na si Mayor Danny Uy at asawa nito at nagbigay ng pagkilala sa tatlumpung magsasaka na nagbigay ng kanilang oras sa nasabing pagsasanay.
Ayon sa OIC ng Municipal Agriculture Office na si Marivic Dacpano, naisakatuparan ang programa dahil sa adhikain ng lokal na pamahalaan ng Sison na mapanatiling mataas ang production ng palay sa bayan at dahil sa pagsusulong ng mga ganitong klase ng programa sa bayan ay nakatitiyak ang mamamayan ng Sison na makasasabay ang kanilang mga magsasaka sa mga epektibong sistema at angkop na teknolohiya para patuloy na masagana ang ani ng produktong pang agrikultura lalo na ang palay. |ifmnews

Facebook Comments