Dahil sa ayaw tuluyang ma-phaseout o mawala ang mga pampasaherong jeep sa bansa, ilang mga transport group sa Maynila ang nakilahok sa transport strike o tigil pasada kasabay ng ikalawang SONA ng Pangulo.
Ngunit dito sa lalawigan ng Pangasinan, hindi nakiisa o nakilahok ang mga transport group sa tigil pasada sa loob ng tatlong araw.
Sa lalawigan, nasa dalawampu’t dalawa (22) na mga transport cooperatives ang nagbigay ng anunsyo na hindi lalahok sa tigil pasada ng grupong Manibela sa Maynila.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region I, sa katunayan anila ay karamihan sa mga transport group sa rehiyon uno ay nagpahayag ng suporta sa programa ng pamahalaan na public utility vehicle modernization program kung saan ito ang ipinoprotesta ng grupong Manibela na hindi pabor sa pag-phaseout sa mga pampasaherong dyip.
Sa datos ng LTFRB, dalawampu’t-dalawang (22) mga transport group sa lalawigan ng Pangasinan, lima (5) ang mula sa probinsya ng La Union at tatlo (3) naman sa Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Magtatagal ang transport strike o tigil pasada hanggang, ngayong araw July 26.
Ilan lamang sa mga transport group sa lalawigan ng Pangasinan gaya ng Pangasinan Express Transport Cooperative sa Urdaneta City ay kinondena ang hakbang ng grupong Manibela.
Nagpapasalamat naman ang mga kawani ng LTFRB R1 sa hindi paglahok ng mga grupo ng mga pampasaherong jeep sa rehiyon uno sa tigil pasada ng ibang grupo sa Maynila at hindi na naka-perwisyo ng mga pasahero. |ifmnews
Facebook Comments