Tinatayang 75 o tatlumpung porsiyento ng 2,500 na kawani ng Victory Liner Incorporated ang nagtataglay ng cardiovascular disease at diabetes.
Ito ang natuklasan matapos na sumalang sa dalawang araw na seminar ng Department of Health Calabarzon Region patungkol sa non-communicable diseases o NCDs ang mga driver at conductor ng Victory Liner Incorporated o VLI.
Ayon ka Dr. Eduardo Janairo, Director ng DOH Calabarzon, layon ng dalawang araw na seminar na matukoy at maiwasan ang NCDs sa hanay ng mga driver at konduktor ng VLI dahil sila ay isa sa mga kabilang sa grupo ng mga Professional na nanganganib sa pagkakaroon ng cardiovascular diseases kasama na rito ang hypertension.
Paliwanag ng opisyal ang trabaho at kalusugan aniya ng mga tsuper at konduktor ay may malaking apekto sa kaligtasan ng publiko lalo na aniya na anumang problema sa kalusugan ay nagdudulot ng panganib sa mga aksidente sa mga lansangan.
Kung may sakit aniya, ay masasakripisyo ang kanilang performance, papalya sa pagpasok, magkakaproblema sa pananalapi hindi lamang sa kanilang sarili kundi makakaapekto rin sa Lipunan.
Inirekomenda ni Janairo sa mga Kawani ng VLI lalo na sa mga tsuper at konduktor ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.