TATLUMPUT ANIM NA KANDIDATO SA BSKE 2023 SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NG SHOW CAUSE ORDER; MGA INIREKLAMO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC

Abot na sa tatlumput anim ba mga kandidatong tumatakbo sa BSKE 2023 sa lalawigan ang nakatanggap ng show cause order mula sa main office ng COMELEC.
Pinagpapaliwanag na ng COMELEC Pangasinan ang mga ito dahil sa isinampang reklamong pre-mature campaigning sa kanila lalo at tatlong araw lamang ang araw na ibinigay sa kanila upang magpaliwanag sa reklamong kanilang natanggap.
Sa pahayag naman ni Atty. Marino Salas, ang COMELEC Pangasinan Provincial Election Supervisor, kanilang susuriing mabuti ang paliwanag na kanilang matatanggap sa oras na nakapagpasa na ang mga ito at ilalabas ang resulta kung sasampahan sila ng disqualification at kaso.

Samantala, karamihan naman sa mga pinadalhan ng show cause order ng COMELEC ay mga tatakbo sa Sangguniang Kabataan na nagsagawa ng maagang campaign. |ifmnews
Facebook Comments