Sumuko sa awtoridad ang tatlumpu’t-isang kasapi ng Communist Terrorist Group o CTG sa Ilocos Region nitong nagdaang buwan ng Agosto.
Apat na miyembro ng CTG ang nagbalik ng dalawang baril at apat na explosives, at dalawampu’t-pito namang kasapi ng CFos ang nagsauli rin ng baril.
Ayon kay Police Regional Office 1 Regional Director PBGen. Dindo Reyes, ang pagsuko ng mga rebelde ay patunay ng mas pinaigting na kampanya laban sa insurgency sa Rehiyon Uno.
Samantala, matatandaan na nauna nang idineklara ang pagiging insurgency-free ng rehiyon, kasabay na paninindigan ng awtoridad na maitaguyod at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Region 1.
Hanggang sa kasalukuyan, walang naitalang anumang insidente na may kaugnayan sa rebeldeng grupo, ayon sa PRO1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









