Tatlumpu’t lima, sugatan sa sunog sa isang pabrika sa Amerika

World – Tatlumpu’t lima ang sugatan sa sunog sa isang cosmetics factory sa New Windsor, New York, sa Amerika.

Kabilang sa mahigit tatlumpung nasugatan ay ang pitong bumbero na rumesponde kung saan dalawang magkasunod na pagsabog din ang nangyari sa loob ng pabrika.

Ayon sa New Windsor police, naganap ang unang pagsabog bandang 10:15 ng umaga ng lunes sa verla international cosmetics factory.


Nasa loob na ng pabrika ang mga bumbero nang maganap naman ang ikalawang pagsabog bandang 10:40 ng umaga.

Inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Facebook Comments