TATLUMPU’T TATLONG COLLEGE STUDENTS SA PANGASINAN, QUALIFIED SA JUNIOR LEVEL SCIENCE SCHOLARSHIP PROGRAM NG DOST SCIENCE EDUCATION INSTITUTE

Tatlumpu’t tatlong college students ng Pangasinan ang inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na qualified sa Junior Level Science Scholarship (JLSS) program ng Science Education Institute (SEI) ng DOST.
Sinabi ni Bernalyn Martinez, project assistant II ng DOST-Pangasinan, sa 178 examinees na kumuha ng qualifying exam noong Agosto 27, 33 lamang sa kanila ang kwalipikado at makakatanggap ng dalawa hanggang tatlong taong benepisyo depende sa kanilang kurso.
Dagdag ni Martinez, sa kabuuang Pangasinense qualifiers, sampung estudyante ang kwalipikado sa ilalim ng R.A. 7687, labinglima ang kwalipikado para sa Merit Scholarship program, habang walong estudyante ang pumasa sa R.A. 10612.

Ang programa ng JLSS ay naglalayon na tiyakin ang isang matatag, sapat na supply ng mga kwalipikadong S&T human resources na maaaring gumabay sa bansa tungo sa pambansang pag-unlad.
Makatatanggap naman ng scholarship privileges ang mga qualified sa scholarship tulad ng P7,000 buwanang stipend at P5,000 na learning materials at/o connectivity allowance.
Ang mga iskolar ay kinakailangan na magbigay ng serbisyo sa bansa lalo na sa Region 1, pagkatapos ng kanilang pagtatapos para sa isang panahon na katumbas ng bilang ng mga taon na kanilang tinatamasa habang sila ay scholar.
Ang mga qualifiers sa ilalim ng R.A. No. 7687 and Merit Scholarship ay inaasahan na magtatrabaho sa mga field ng kanilang specialization.
Ang mga qualifiers naman na nasa ilalim ng R.A. 10612, na sumusuporta sa K to 12 program, ay magtatrabaho bilang Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) teachers sa kahit saan mang public or private high school in sa bansa pagkatapos makapagtapos.
Magiging epektibo ang scholarship ng JLSS sa unang semester ng academic year 2022-2023. |ifmnews
Facebook Comments