Thursday, February 5, 2026

TATTOO ARTIST, NAHULIHAN NG SHABU SA BASISTA

Arestado ang isang 19-anyos na tattoo artist at residente ng Basista, Pangasinan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa naturang bayan.

Isinagawa ang operasyon bandang alas-singko ng hapon noong Pebrero 4, 2026 ng Basista Municipal Police Station sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1.

Ayon sa pulisya, nagresulta ang buy-bust operation sa pagkakumpiska ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng kabuuang 0.43 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard drug price na ₱2,924.00.

Nakumpiska rin sa suspek ang isang ₱500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang motorsiklo na walang nakakabit na plaka, at isang cellular phone.

Isinagawa ang on-site inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa harap ng mga itinatakdang mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa umiiral na batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at haharap sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments