Tattoo Artist, Timbog sa Pagbebenta ng Droga

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang tattoo artist sa ikinasang drug buy-bust operation bandang 3:20 sa Bayombong Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Nelson Monte alyas ‘Jay-Ar’, 29-anyos at residente ng Brgy. District 4, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Positibong napagbentahan ng suspek ang isang ahente ng PDEA na umakto bilang poseur buyer.


Narekober sa pag-iingat nito ang isang(1) pakete ng hinihinalang shabu, dalawang tubular wrapped na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng mahigit kumulang 750 grams at mga drug paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments