
Nagsalita na ang Tau Gamma Phi Fraternity tungkol sa hazing na pinaniniwalaang dahilan ng pagka-stroke ng 18-anyos na si Jonathan Concordia.
Ayon sa tagapagsalita ng fraternity na si Nestor Reyes – kusang loob na sumali sa kanila si Concordia.
Kinumpirma rin niya na sumalang sa final initiation rites si Concordia noong September 15.
Giit ni Reyes na naka-survive sa initiation si Reyes at nakauwi ito ng maayos.
Nangyari ang problema kay Concordia malakipas ang halos 10 araw.
Tinitiyak nila na ang lahat na sumasali ay maayos ang kalusugan at dapat sumasailalim sa medical examination.
Nanindigan din si Reyes na imposibleng ipagbawal ang hazing dahil tradisyon na ito sa kahit saang fraternity.
Aminado siya na may namamatay talaga sa hazing sa kahit saang fraternity.
Humingi na rin ng paumanhin ang Tau Gamma Phi sa pamilya ni Concordia at handa silang makipagtulungan.
Umapela rin sila na huwag silang husgahan at huwag tawaging barbariko.









