Umabot na sa 748 ang bilang ng mga tauhan ng Department of Education (DepEd) na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Education Usec. Alain Pascua, naitala ang bilang hanggang nitong Agosto 18.
Sa naturang bilang, 311 dito ang mga guro, 169 ang non-teaching personnel at 268 ang estudyante.
Nananatili naman sa 318 ang active cases, 408 ang gumaling at 22 ang nasawi.
Samantala, sa DepEd Central Office, 15 ang naitalang kaso ng COVID-19 kung saan siyam ang active cases, lima ang naka-recover at isa ang nasawi.
Sinabi naman ni Pascua na nagkaroon ng pagbabago sa kanilang COVID-19 protocols alinsunod pa rin sa abiso ng Department of Health (DOH).
Facebook Comments