Tauhan ng PCG na magbabantay sa WPS, dadagdagan

Ipinatupad ng Palasyo ng Malakanyang ang paglalagay ng karagdagang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos na banggain ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank sa West Phlippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dapat na dagdagan ang border patrols ng PCG para sa kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda.


Dagdag pa ni Panelo, apat na coast guard patrol lamang ang nagpapatrolya sa borders ng Pilipinas dahil masyadong malawak ang coastline ng Pilipinas sa ngayon.

Samantala, hinimok naman ng Malakanyang ang mga pumapalaot sa West Philippine Sea na maging maingat at mapagmatyag.

Agad ding mag-report sa mga otoridad ang sino mang makakaranas ng anumang panghaharas o insidente.

Facebook Comments