Tauhan ng PCG na nagpaputok ng baril habang nakikipag-inuman sa Maynila, posibleng sibakin sa pwesto

Posibleng sibakin sa pwesto ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isa nilang tauhan na sangkot sa pagpapaputok ng baril sa Maynila kaninang madaling araw.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) si Christopher Busilan na may ranggong Apprentice Seaman dahil sa pagpapaputok ng baril habang nakikipag-inuman sa R. Papa Street sa nasabing lungsod.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gavan, hindi nila kinukunsinte ang anumang iligal na gawain ng mga tauhan ng Coast Guard.


Sa ngayon, inatasan na ni Gavan ang Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service na magsagawa ng parallel investigation para sa susunod nilang hakbang.

Sinabi naman ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na sakaling mapatunayan na guilty si Busilan ay agad itong tatanggalin sa serbisyo.

Facebook Comments