Tauhan ng PCG, nagsauli ng napulot na pitaka ng OFW mula Saudi Arabia na may laman na P185K at cellphone

193

Isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagsauli ng napulot niyang pitaka ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Dammam, Saudi Arabia

Ang pitaka na isinauli ni Seaman Second Class (SN2) Ramir Greg Locsin ay may laman na Php 185,000 at isang cellular phone.


Ang pitaka at cellphone ay napulot ni Locsin habang ito ay naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Labis naman na nalugod ang OFW na si Joliza Wanason, dahil sa pinakitang katapatan ni SN2 Locsin.

Ayon naman kay Commander Jimmy Oliver Vingno ng PCG Task Force Unit Airport One-Stop Shop (OSS) sa NAIA Terminal 1, ang pinakitang integridad at professionalism ni SN2 Locsin ay nakadagdag sa pride ng kanilang unit at ng buong Philippine Coast Guard organization.

Facebook Comments