Tauhan ng Sumitomo-MHI-TESP na nag-viral ang video na minamadali ang pag-disinfect sa mga tren, pinatawan na ng disciplinary action

Humingi ng paumanhin sa publiko ang maintenance provider ng MRT-3 sa nag-viral na video ng isa sa miyembro ng kanilang disinfection team na hindi maayos ang paglilinis sa loob ng tren.

Una rito, ikinatakot ng mga netizens ang nakitang minamadali ng staff ang ginagawang pag-spray at pagpunas sa mga handrails sa mga tren sa North Avenue Station sa Quezon City.

Sa isang mensahe na ipinarating sa MRT-3 Management, sinabi ng Sumitomo-MHI-TESP na tatanggalin nila ang naturang staff na sinampahan na ng administrative case.


Ayon sa Sumitomo, hindi nila kukunsintihin ang mga tauhan na hindi ginagampanan nang maayos ang trabaho.

Magdi-deploy naman ng additional staff ang maintenance provider upang masubaybayan ang pagtatrabaho ng kanilang disinfection team.

Facebook Comments