Sinampahan ng kasong kurapsyon ng kanyang asawa ang Executive Secretary ng dating Cainta Rizal Mayor at ngayo’y Administrator ng Cainta Atty. Keith Nieto na si Rodrigo Balolong Daria, Executive Secretary ni Nieto at hepe rin ng Cainta Management Information System
Base sa 11 pahinang reklamong isinampa ng kanyang asawa, kasong kurapsyon, pagkakamal ng hindi maipaliwanag na yaman, abuso at pagsasamantala sa poder at pang-aapi ang isinampang kaso laban kay Rodrigo Balolong Daria, Executive Secretary ni Nieto at hepe ng Cainta Management Information System ng kanyang inabandonang asawa na si Jennylyn dela Cruz.
Matatandaang kamakailan lamang ay nag Viral sa Social Media ang pwersahang pang aagaw ng sasakyang Toyota Fortuner sa dating asawa ni Daria na gamit ang mga tauhan ng tanggapan ng Mayor ng Cainta.
Ang nasabing sasakyan ay gamit ni Dela Cruz at ng dalawang anak ng dating mag asawa.
Base sa salaysay ni Dela Cruz sa isinampang reklamo sa tanggapan ng Ombudman, sinabing si Daria ay may mga mamahaling sasakyan at mga pag-aaring lupa at bahay na di maipaliliwanag ang pinagmulan ng perang pinambili.
Hinde rin anya ito kayang bilhin mula sa sweldo nitong Php33,000 lamang bawat buwan.
Dagdag pa ni Dela Cruz na labag umano ito sa mga umiiral na batas laban sa kurapsyon at pang-aabuso sa poder tulad ng RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees at RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act na mag dudulot ng pagka bilanggo ng anim na taon pataas at ng Perpetual Disqualification from Public Office.
Hanggang ngayon ay inaantay pa rin ang panig ni Daria at reaksyon naman ni dating Mayor at ngayoy Administrator Keith Nieto hinggil sa naturang reklamo laban sa kanyang tauhan.