
Pabor ang baguhang kongresista na si FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe na matuloy ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Para kay Poe, karapatan ng taumbayan na makita ang mga ebidensyang ipipresenta ng House prosecution team sa paglilitis ng impeachment court kay VP Sara.
Kaisa rin si Representative Poe sa posisyon ng kanyang ina na Sen. Grace Poe na bumoto pabor sa pag-usad ng impeachment trial.
Diin ni Poe, mahalaga ang transparency at accountability sa pamahalaan na syang rason kung bakit kabilang sa mga inihain nyang panukalang batas ang Freedom of Infrastructure Bill.
Facebook Comments









