Hindi matutuloy ang taunang Balikatan Exercise sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino na nakatakda sana sa buwan ng Mayo.
Ito ang inanunsyo ng United States – Pacific Command dahil na rin sa patuloy na nararanasang krisis, epekto ng COVID-19 outbreak.
Sa kanilang Official Statement, nakasaad na nais nilang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga sundalong lalahok sa Military Exercises kaya nagpasya na silang kanselahin na ito.
Bukod pa rito ang nangyayaring International Travel Restrictions na ipinatutupad ng U.S. Department of Defense (DoD) at Republic of the Philippines.
Ang gagawin sanang Balikatan Exercise sa Mayo ang huling Military Exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas matapos magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin na ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Amerika.
Sakop sa VFA ang pagsasagawa ng Military Exercises ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.