Manila, Philippines – Naging matagumpay ang taunang earth hour na isinagawa sa SM by the Bay, Mall of Asia Complex sa Pasay City mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM kagabi.
Ayon kay World Wildlife Fund (WWF) Philippines President Joel Palma, natutuwa sila na ngayong taon ay kabahagi nila ang mga kabataan.
Aniya, importante na maging kabahagi ang mga kabataan dahil mahigit sa 50 porsyento ng Pilipinas ay kinukusiderang kabataan.
Kaugnay nito, bago ang papatay ng mga ilaw ay nagkaroon muna ng earth hour camp.
Naging tampok dito ang interactive climate adaptation at mitigation booths kung saan kabilang ang native tree planting, renewable energy technologies at disaster go-bag preparation.
Hinikayat din ang publiko na makiisa sa ibat-ibang mga climate actions tulad ng sa paglipat sa renewable energy, pagtaguyod sa sustainable food at agriculture, pagkakarooon ng mga climate-friendly lna mga batas, pagsuporta sa mga conservation projects at pagbibigay kaalaman patungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa klima.
Facebook Comments