Taunang KBP Broadcastreeing isasagawa bukas sa Surigao City

Taunang KBP Broadcastreeing isasagawa bukas sa Surigao City Isasagawa bukas ang taunang Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas (KBP) Broadcastreeing sa Sitio Panubigon, Brgy. Lipata, Surigao City. Ayon sa RMN DXRS Station Manager at KBP Surigao Del Norte Chapter Pres. Gay Tiu kagaya sa nakaraang taon, mangunguna sa pagtatanim ng bakawan ang mga member stations ng AM at FM radio kasama na rito ang iilang volunteers mula sa 30th Infantry Batallion ng Phil. Army, Phil. National Police at ibang non-gov’t. organizations. Sa pagtatanim ng bakawan, ito’y magsisilbing tirahan ng kapapanganak na mga isda at pagbibigay proteksiyon na rin sa kabuuan sa inang kalikasan. Ang mga mangrove propagules na itatanim bukas nagmula sa DENR Surigao City.

Sent from my iPhone

Facebook Comments