Taunang neuropsych tests para sa PNP, kailangang ipatupad na

Nagbabala si Senador Imee Marcos na maaaring maulit pa ang pagpatay ng isang lasing na police master sergeant sa isang lola kung mananatiling walang ngipin ang batas na nag-oobliga sa psychological test sa mga tauhan ng pulisya.

Tinukoy ni Marcos ang Republic Act 8551 na nag-amyenda sa nagdaang batas sa pagrereporma sa police force.

Para kay Marcos, masyado pa ring maluwag sa pagsasagawa ng pyschological test kaya marami pa ring may saltik na pulis ang nakalulusot.


Ipinunto ni Marcos na sa umiiral na batas ay walang iskedyul kundi panawagan lang para sa regular at random na pagsasagawa ng pyschological tests.

Giit ni Marcos, dapat gawin itong taunang requirement sa bawat tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Paliwanag ni Marcos, ang pagpupulis ang isa sa may pinakamataas na stress sa trabaho na mahigpit na nangangailangan ng neuropsych testing at debriefing lalo na pagkatapos ng isang marahas na operasyon.

Facebook Comments