Taunang pagbabakuna, posibleng kailanganin sa Pilipinas para labanan ang Omicron variant

Tulad ng flu vaccine, posibleng kailanganin din sa Pilipinas ang taon-taong pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ng health expert na si Dr. Anthony Leachon na bukod sa mabilis kumalat, “very resistant” din ang Omicron variant.

Aniya, nagmu-mutate kasi ang virus lalo na sa mga lugar na mababa ang vaccination rate gaya ng Pilipinas.


Katunayan, ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), tatlong dose ang dapat na maiturok sa isang tao para maproteksyunan siya laban sa Omicron.

“Nasabi nga ng Pfizer CEO last night, nangangailangan talaga tayo ng yearly vaccination for Omicron kasi itong Omicron very resistant po, mawawala, mabubuhay,” saad ni Leachon.

“At according to the CDC po, ‘pag Omicron, tatlo dapat ang minimum doses natin to protect and then kung kailangan mo ng fourth dose gaya ng ginagawa ng Israel… I’m sure, yearly mag-i-inject po tayo,” dagdag niya.

As of January 22, nasa 57.1 million na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa buong bansa habang 6.1 million na ang nakatanggap ng booster shot.

Facebook Comments