Tawag na natatanggap ng OHCC, bumaba na sa 150 kada-araw

Bumaba na nga sa 150 tawag o ang average daily calls ang natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC).

Mula ito sa 200 hanggang 300 na tawag kada-araw, noong huling linggo ng Oktubre.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan na bumubuti na rin ang sitwasyon sa mga ospital at isolation facilities sa Metro Manila.


Dahil aniya sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases, nagbabawas na rin sila ng mga kama sa mga isolation facilities.

Gayunpaman, tiniyak ni Dr. Padlan na sa oras na makakita sila ulit ng pagtaas sa trend ng COVID cases, agad ring magdaragdag ng COVID bed capacity ang mga isolation facilities.

Facebook Comments