Tawag na natatanggap ng OHCC, bumababa na ulit

Bahagyang bumaba ang mga tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC) ngayong linggo kumpara noong nakaraang linggo.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni OHCC Medical Officer Dr. Marylane Padlan na naglalaro sa 500-700 tawag ang kanilang natanggap, mula yan sa 900 na tawag noong nakalipas na linggo.

Karamihan pa rin ng mga tawag ay mula sa National Capital Region, Region 3 at 4A.


Base naman sa ulat ng kanilang Regional OHCC pinakamaraming tawag na kanilang natatanggap sa iba pang panig ng bansa ay mula sa Region 1, Region 8 at Region 11.

Maliban sa COVID, idinudulog din sa kanila ang iba pang emergencies tulad ng operasyon at ang panganganak na kanila namang inire-refer sa mga ospital.

Facebook Comments