Tawag ng Tanghalan champion na si Noven Belleza, nakapagpyansa na sa kasong sexual assault

Cebu City – Nakapagpyansa na ang Tawag ng Tanghalan Champion na si Noven Belleza sa kasong sexual assault sa ilalim ng Article 266-A ng revise penal code.

Base sa impormasyon na isinumite ng piskaliya sa korte, hindi ang sex organ ng singer ang ginamit sa pag-abuso sa biktima.

Inaprobahan ni Cebu City Prosecutor Liceria Rabillas, ang rekomendasyon para sampahan ng rape ngunit sa ilalim ng Article 266-a paragraph 2 ng revised penal code o mas kilalang sexual assault si Belleza.


120,000 ang inirekomenda na piyansa ni Belleza para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments